My Childhood TV Shows

With the rampant showing of different entertainment for children, I suddenly wanted to post something about my favorite TV shows when I was like 2 or 3 years old (Yes, I’m a TV buff ever since I was little.) Pero limited lang itong post ko sa mga superhero shows na talagang sinusubaybayan ko every Saturday, Channel 13 pa nga yun o kaya Channel 9 (Wala pa kaming cable nun.)

I’ve bumped into a thread in Peyups about Masked Rider Black. Syempre post naman ako dun kasi isa talaga yun sa mga paborito kong palabas nun. Crush ko rin pala si Robert Akizuki. Hahaha! Grabe, pre-school pa lang yata ako nito pero batay sa aking research, nag-air pala ito on the year of my birth. =p Tapos kagabi, ni-search ko pa talaga yung fansite niya kaso in Japanese siya so malamang wala akong naintindihan. =D Maliban sa poging si Robert, gusto ko rin ang kanyang motorbike at ang effects pag nakikipaglaban siya (may smoke machine kasi palagi). Idagdag mo na rin ang mukhang langaw niyang hero costume. =))

Si Langaw!

Nagkaroon ng ibang version si Masked Rider Black, pero hindi yata yun black, basta Masked Rider din, medyo bago na yun, pero hindi siya kasingganda at kasing-exciting nung kay Robert Akizuki kaya hindi ko yun pinaanood.Ang next favorite kong Japanese program ay ang Shaider. Oh well, si Mica (kapatid ko) talaga ang may paborito nun pero dahil kasunod siya ng isa ko pang paboritong palabas, nakinood na rin ako. Saka ang cute-cute ng mga kalaban ni Shaider. Ganda ng costumes. Wahehe!

Ayan, ang forever tandem nina Shaider at Annie.

Pero ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang Masked Man. Wahaha! Syempre pa, dahil ako ang ate dito, ako si Pink Mask(Wahaha! Hi Kitty! Sorry, nung panahong hindi pa tayo magkakilala galit na galit ka siguro sa akin dahil inaapi si Yellow sa kahit anong color-coded na palabas. =p ) Tapos syempre crush ko naman (sa totoong buhay a) ang boy-next-door na si Blue Mask. Wahehe. And btw, he’s a martial arts expert pala dun sa palabas. Lalo kong minahal. Hahaha! Seryoso? =p I love this show. Dati kapag Saturday at 6pm na, titigil na talaga ako sa paglalaro at ililipat na ang TV sa Channel 13. =D Back-to-back ang palabas na ito at si Shaider e.

Dahil hindi ako makahanap ng magandang pic ng crush kong si Adrian (si Blue Mask), video na lang. Hahaha! Kaadikan! =D

Opening credits ito: http://www.youtube.com/watch?v=QXMweppCB8M

Eto naman ang end credits: http://www.youtube.com/watch?v=RcSlEpL2yQk

Sensya guys, hindi ako marunong maglagay ng object dito hehehe.

Love! =)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s